Biyernes, Oktubre 12, 2012

Akala ko ba "KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN"? Bakit parang nagiging "KABATAAN ANG NAGDUDULOT NG SAKIT NG ULO SA BAYAN"?

Nasaan na nga ba ang sinabi ni Rizal na "KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN"? Bilang isang kabataan, pag-asa pa din ba tayo ng bayan?

Siguro kaya ito nasabi ni Rizal, dahil sa tiwala nya sa mga kabataan na kayang itaguyod ang sariling bayan. Na tayo yung magiging dahilan para umunlad ang Pilipinas. O kahit tumulong lang para umunlad ang Pilipinas. Iilan nalang ba ang mabuting ehemplo para sa kabataan? 

Bakit ko nga ba nasabi na "KABATAAN ANG NAGDUDULOT NG SAKIT NG ULO SA BAYAN"?
  • Karamihan sa kabataan ngayon, kundi buntis, nakabuntis, nanganak na o kaya nag ka-anak na. Ilang taon palang NANAY o TATAY na. Ano ba naman yan?! Di pa nga nakakatapos ng kolehiyo, nagbuntis na/nakabuntis na! Mas masaklap pa sa iba, hindi pa man din nakakatungtong ng kolehiyo, nagbuntis na.nakabuntis na. Pano kayo aasahan ng magiging anak nyo, kung mismong kayo, umaasa pa sa magulang nyo?   
  • Madaming kabataang babae ang nagpapalaglag. Dahil natatakot sa magulang o kaya hindi pinanagutan ng lalaki. Magkasama niyo ginawa, pero isa lang ang naghihirap. May mga lalaki pa na kukunsintihin o minsan sya pa mismo ang mag uudyok sa babae na magpalaglag. (LALAKI KA BA TALAGA?!) Bakit ba 'to naiisip gawin ng mga magkasintahan? Natural lang naman sa magulang ang magalit dahil maaga kang nabuntis/nakabuntis. Matatanggap din naman nila yung sitwasyon, kesa pag pinalaglag nyo, posible na kamuhian ka pa nila dahil tingin nila sayo ay isang kriminal. Sino ka para pumatay ng nilalang? Bakit mo ikahihiya ang biyaya ng panginoon? 
  • Dahil sa mga gantong insidente, madami din ang naiisipang magpakamatay. Anobayan! Papatayin ang sarili o kaya ang bata! Hindi mo kailangan tapusin ang buhay mo para mawala ang batang nagsisimula palang mabuhay sa mundo. Panindigan nyo ang mga bagay na ginawa nyo.
  • Karamihan sa balita ngayon, kabataan ang laman. Nagnakaw, nakapatay, nahulihan ng droga, nambugbog, nangrape at kung anu-ano pa. Ano ba nanaman yan?! Pag nahuli, sasabihin para sa magulang. Yan ba gusto ng magulang mo? Maging laman ng masasamang balita ang anak niya? Muntikan ng masampahan ng kaso ang anak niya? Nakakaya pa ba ng kunsensiya mo na tuwing may ipapakain ka sakanila, eh galing sa maduming kamay mo? Bakit hindi mo nalang ituon yung pansin mo sa pag-aaral mo at sa mga pangarap mo? Kesa gumagawa ka ng mga bagay na makakasira ng mga pangarap mo.
  • Ayon kay Rachelle Botor, madami ding babae ang pinapasok ang prostitution para mabuhay sila o ang pamilya nila. Paano ba nila nasisikura ang mga gantong bagay? Para lang kumita ng pera? Madami namang maayos na trabaho, kahit maliit ang sahod, ok na yun kesa naman malaki nga kita mo, madumi naman ang katawan mo. Kahit ilang ligo pa gawin mo, sa paningin ng ibang tao, BABOY NA BABOY KA NA!!
Bilang kabataan, dapat maging responsable tayo sa bawat kilos natin. Dapat alam mo kung ano yung prioridad mo sa buhay. May isip ka na, alam mo na din kung ano yung pagkakaiba ng tama at mali. 'wag magmadali sa buhay. Mararating mo din yan, pray and wait ka lang. Baka akala mo nakakatulong ka sa mundo pag ginawa mo ang mga bagay na 'to. Hindi ka na nga nakatulong, nakadagdag ka pa ng problema! 
Bago mo tulungan ang iyong bayan, dapat tulungan mo muna ang sarili mo. Hindi mo naman kailagan ipakita sa buong mundo yung kabutihan mo. Sapat na siguro yung nabubuhay ka ng tama at patas. Kung gagawa ka ng isang bagay para sa 'yong sarili/pamilya, di hamak na mas maganda kung manggagaling ito sa tama. 'wag mong sayangin ang tiwala na binibigay sayo ng mga magulang mo. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti at pagsisikap sa buhay, maaaring sapat na 'to para maging mabuting ehemplo ka sa kabataan. Sa panahon ngayon, dapat matuto kang magtiyaga, dahil ang mga bagay na nakukuha ng mabilisan, nawawala din ng mabilisan. 

HINDI MATATAMA NG ISA PANG MALI, ANG ISA PANG PAGKAKAMALI.

"KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento